adplus-dvertising
Home » Stories » ALS teacher sa Albay nakumbinsing magbalik eskwela ang isang pamilya
Are you looking for something?

ALS teacher sa Albay nakumbinsing magbalik eskwela ang isang pamilya

ALS teacher sa Albay nakumbinsing magbalik eskwela ang isang pamilya

Youtube

Isang outstanding ALS teacher sa Albay ang nakakumbinsing magbalik eskwela ang isang pamilya. Mula apo hanggang sa lolo at lola ang ngayoy nakabalik sa pag-aaral dahil sa isang ALS teacher sa Jovellar, Albay.

Siya ay kilala bilang si Teacher Ana Marie Herrera Jacob, guro sa Alternative Learning System (ALS). Sakay ang isang “Habal-habal” tinatahak ng guro ang daan papunta sa isang liblib na lugar sa Jovellar, Albay. Inaabot ng kalahating oras ang byahe. Pagbaba niya sa sasakyan, naglalakad pa siya ng kalahating oras pa upang mapuntahan ang isang pamilyang naghihintay sa kaniya.

Ang isang pamilya mula lolo hanggang apo ang studyante ni Teacher Ana Marie sa ALS. Ayon sa guro, taong 2021 ng makumbinse niya ang mga ito na mag-aral muli. Grade 6 ang natapos ni Lolo Bernardo na kahit hindi makapagbasa at makapagsulat noon ay marunong na ngayon. Lubos naman ang pasasalamat ng matanda sa sakripisyo ng kanilang guro.

“Salamat sa pagsakripisyo ni madam kasi makaka-adal (makakapag-aral) kami.”, sambit ni lolo.

Grade 2 naman ang natapos ng asawa ni Lolo Bernardo na si Lola Yolanda na nasa Junior High na ngayon.

Ayon kay Lola Yolanda, “Gusto ko po madagdagan yung pag-aaral ko para sa mga anak ko at gusto ko rin matuto kasi po masipag po si Mam Ana, nagsasakripisyo po siya para sa amin.”

Grade 2 rin ang natapos ng anak ni Lolo Bernardo sa unang asawa na si Analyn.

“Nagsabay po akong mag-aral sa kanila para matuto rin ako gaya nila”, sambit ng anak ni lolo.

Labinsiyam lahat-lahat ang tinuturuan ni Teacher Ana Marie. Nagpatayo rin ang guro ng isang kubo upang magsilbing silid-aralan ng kanyang mga studyante dito.

Ayon kay Mam Ana Marie, masaya siyang makita na natututong magbasa at magsulat ang kaniyang mga mag-aaral.

“Kasi, makita ko lang sila na makapagsulat at makapagbasa ay happy na ako… gusto ko matutuhan nila yung basic, basic lang talaga ang tinuturo ko sa ganung sitwasyong para ng sa ganun ay maiharap nila ang sarili nila sa community…”

Kabilang sa kaniyang tinuturuan ang mga apo ni Lolo Bernardo. Nasa senior highschool na ang ilan dito.

“Basic Literacy, napopromote sila, naaaccelerate sila sa elementary, then after elementary, napopromote naman sila sa junior highschool. Marami na rin akong passer dito na mga apo ni Lolo Bern na ngayon ay senior high na, so achievement yun para sa akin.”

Bukod sa mga aralin sa classroom, tinuturuan din silang magtanim ni Teacher Ana Marie. Minsan siya na rin ang tumutulong magayos kapag may hindi pagkakaunawaan sa pamilya.

Nakatanggap na rin ng sari-saring parangal ang guro. Isa na dito ay ang pagkahirang sa kaniya bilang isang “Outstanding Educator of the Year” noong February 26, 2022 sa Second Instabright International Awards for Educators na naganap sa Tagaytay. Ayon sa guro, may nagnominate daw sa kaniya sa Instabright na isang pribadong institusyon na nagoorganisa ng parangal at pagkakakilanlan lalo na sa mga guro. Para kay Teacher Ana Marie, buhay na niya ang pagtuturo at masaya siya dito.

Si Mam Ana Marie ay namimigay din ng mga foodpack at nagoorganisa ng community pantry para sa kaniyang mga estudyante. Isa-isa niya itong pinupuntahan sa kanilang lugar kahit na may kalayuan. Labis naman ang pasasalamat ng kaniyang mga estuyante na nabigyan ng pagkakataong ipagpatuloy muli ang kanilang pag-aaral.

Educational Videos, Tutorials, and more
We invite you to subscribe to our official YouTube channel (Teach Pinas). On that channel, we will post more Educational Videos, Tutorials, Tips, News and Updates, and many more. Please consider subscribing from this link: Teach Pinas Official YouTube Channel

Our team, the Teach Pinas Team, through this website, YT channel, and social media accounts has been providing free and accessible downloadable materials for teachers since then. We aim to continue helping all teachers in this county, so we also ask for your support. If you want to contribute, please don’t hesitate to submit your content via our Contribute Page.

If you want to receive instant updates directly to your device, kindly subscribe to our pop-up notification by clicking the notification bell icon at the bottom-right corner of your screen. More useful content is coming soon, so keep visiting!


Disclaimer:
TEACH PINAS is not affiliated, associated, endorsed by, or in any way officially connected to any government organization. All the information on this website is published in good faith and for general information purpose only. We, the admins/staff, do not claim any ownership of some content posted here unless otherwise stated. If you own rights to those and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail: [email protected] and we will take necessary actions ASAP. TEACH PINAS does not make any warranties about the completeness, reliability, and accuracy of this information. Any action you take upon the information you find on this website (www.teachpinas.com), is strictly at your own risk. TEACH PINAS will not be liable for any losses and/or damages in connection with the use of our website. Read more...
Enter your email address below to get updates via email:
Loading

Add Comment

Click here to post a comment

error: Sorry, content is protected!