adplus-dvertising
Home » DepEd » Apat na guro minolestiya sa isang paaralan sa Camarines Sur
Are you looking for something?

Apat na guro minolestiya sa isang paaralan sa Camarines Sur

Apat na guro minolestiya sa isang paaralan sa Camarines Sur

Youtube

Apat na guro minolestiya sa isang paaralan sa Camarines Sur – Pinasok ng armadong lalaki and isang elementary school sa bayan ng Camarines Sur nitong Agosto 8, 2022. Ayon sa balita, apat na guro ang nabiktima ng lalaking pinaghihinalaang nakadroga. Basahin ang report sa ibaba:

JUST IN: Isang elementary school sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur ang pinasok ng lalaking armado ng baril at apat na guro ang minolestiya, tanghaling tapat nitong Agosto 8, 2022.

Nagpanggap na mag-papaenroll ang suspek at nagdeklara ng hold-up. Nang walang makulimbat ay dito na minolestiya ng suspek ang mga biktima.

Ayon sa PNP Camarines Sur, under investigation na ito ng Ocampo Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj. Rey Balindan habang inaasahang magpapalabas ng opisyal na report ang Ocampo PNP anumang oras.

Dahil sa maselan ang pangyayari hindi na idinetalye ang iba pang kaganapan at pagkakakilanlan ng mga biktima.

Mayroon ng person of interest ang mga otoridad sa nangyari.

Source: Gelo Abugao – Radyo Bicolandia News

Ayon sa iba pang report, nagpanggap umanong mag-eenroll o magbibrigada-eskwela ang mga suspek ngunit nagdeklara ito ng hold-up ng makita ang apat na guro.

Dito nakuha ng mga suspek nasa 200 pesos na pera mula sa mga guro at mga cellphone nito.

Hindi pa umano nakuntento ang mga suspek at dinala sa loob ng CR ang apat na guro at isa-isang pinaghuhubad.

Dito na nito pinagsamantalahan ang dalawang dalagang guro ngunit ang dalawa pa na matanda na ay hindi na ng mga ito pinagkainteresan.

Basahin ang ulat tungkol dito mula sa Bicol.PH

Tinangkang holdapin ng isang lalaki ang apat na guro habang nasa loob ng pampublikong paaralan sa Ocampo, Camarines Sur Martes.

Dakong tanghali nang pasukin nang armadong salarin ang mga guro, ani Police Major Reynaldo Balindan.

“Kaya ina-alleged natin na armado kasi hindi na-identify kung tunay na baril o replica,” saad ng hepe.

Wala umanong nanakaw sa mga guro, pero na-trauma sila matapos makaranas ng pangmomolestiya mula sa nakatakas na salarin.

Ani Balindan, sumailalim na sa medical examination ang mga biktima. Inirerekomenda rin niyang sumailalim sila sa trauma debriefing.

Ayon sa Department of Education, ipinauubaya na nila sa PNP ang imbestigasyon sa nangyari.

Nagpaalala rin ito sa mga guro lalo’t patuloy ang Brigada Eskwela ngayong linggo.

“Ireview yong mga hina-hire na mga contractual employees. Ipriority ang watchman at kung kaya ng cctv cameras sa school,” ani DepEd Bicol regional director Gilbert Sadsad.

Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang insidente.

“Such violence has no place in our society, much more in our schools which are supposed to be safe spaces for teachers and learners. Such violence should never be inflicted on anyone, much more to our hapless teachers who have been sacrificing their rest days to prepare our schools for the class opening. We demand that our colleagues be given all the needed support and assistance for them to obtain justice and rise above this dark experience,” saad ng ACT-Philippines sa isang pahayag.

Bukod sa panawagan na hustisya at safe spaces for learning para sa mga guro at mag-aaral, nais ng grupo na pondohan ng gobyerno ang pag-hire ng security guards para sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

“This should serve as a wake up call for the government who have neglected our schools for so long that they cannot even employ security personnel to guard the safety of our teachers and learners. In most public schools, it is still the teachers who take shifts in watching after the safety of their colleagues and the learners. Such neglect should stop now. We demand that sufficient budget be provided for the hiring of security personnel in every school.

Apat na guro minolestiya sa isang paaralan sa Camarines Sur – Post Updated: August 10, 2022

Educational Videos, Tutorials, and more
We invite you to subscribe to our official YouTube channel (Teach Pinas). On that channel, we will post more Educational Videos, Tutorials, Tips, News and Updates, and many more. Please consider subscribing from this link: Teach Pinas Official YouTube Channel

Our team, the Teach Pinas Team, through this website, YT channel, and social media accounts has been providing free and accessible downloadable materials for teachers since then. We aim to continue helping all teachers in this county, so we also ask for your support. If you want to contribute, please don’t hesitate to submit your content via our Contribute Page.

If you want to receive instant updates directly to your device, kindly subscribe to our pop-up notification by clicking the notification bell icon at the bottom-right corner of your screen. More useful content is coming soon, so keep visiting!


Disclaimer:
TEACH PINAS is not affiliated, associated, endorsed by, or in any way officially connected to any government organization. All the information on this website is published in good faith and for general information purpose only. We, the admins/staff, do not claim any ownership of some content posted here unless otherwise stated. If you own rights to those and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail: [email protected] and we will take necessary actions ASAP. TEACH PINAS does not make any warranties about the completeness, reliability, and accuracy of this information. Any action you take upon the information you find on this website (www.teachpinas.com), is strictly at your own risk. TEACH PINAS will not be liable for any losses and/or damages in connection with the use of our website. Read more...
Enter your email address below to get updates via email:
Loading

Add Comment

Click here to post a comment

error: Sorry, content is protected!