Manila, Philippines – Hiniling ng Department of Education (DepEd) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na mabigyan din ng ayuda ang mga guro sa mga pribadong paaralan.
Ngayong panahon ng krisis dahil sa kumakalat na sakit na Corona Virus, isa sa mga sektor ng mga mangagawang apektado ay ang mga guro sa mga pampribadong paaralan. Simula nang maipatupad kasi ang Enhance Community Quarantine at isuspinde ang klase, karamihan sa kanila ay hindi na nakatatanggap ng sahod dahil sa “no work, no pay” scheme.
Kumakalat ngayon sa mga social media ang mga apela at hinaing ng mga guro mula sa mga private schools. Ayon sa kanila, nararapat lamang na makatanggap din ng ayuda ang mga guro sa pribadong sektor sapagkat sila din ay apektado ng COVID-19.
Ayon kay DepEd Spokesperson Usec. Annalyn Sevilla, umapela na si Secretary Leonor Briones na mabilang ang mga pribadong paaralan sa mga industriyang naapektuhan ng krisis ng Corona virus at mabigyan ng cash aid ang mga guro sa ilalim ng Social Amelioration Program.
Ayon naman kay DepEd Secretary Briones, idudulog niya sa Kongreso ang problemang ito upang mabigyan sila ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan to heal as one Act.
Una nang ipinahayag ng Coordinating Council of Private Educational Associations (Cocopea) na umaabot sa 500, 000 empleyado ng mga pribadong paaralan ang kumikita ng mas mababa sa regular nilang suweldo o hindi na sumasahod sa ilalim ng “no work, no pay” scheme.
Marso nang masuspinde and klase sa mga paaralaan matapos maisailalim sa lockdown and iba’t ibang bahagi ng bansa upang mapigilan ang pagkalat nga COVID-19.
Source: PhilStar
Para sa iba pang balita, sundan lamang ang link na ito: DepEd News
TEACH PINAS is not affiliated, associated, endorsed by, or in any way officially connected to any government organization. All the information on this website is published in good faith and for general information purpose only. We, the admins/staff, do not claim any ownership of some content posted here unless otherwise stated. If you own rights to those and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail: [email protected] and we will take necessary actions ASAP. TEACH PINAS does not make any warranties about the completeness, reliability, and accuracy of this information. Any action you take upon the information you find on this website (www.teachpinas.com), is strictly at your own risk. TEACH PINAS will not be liable for any losses and/or damages in connection with the use of our website. Read more...
Add Comment