- Version
- Download 9657
- File Size 151kb
- File Count 1
- Create Date April 14 2020
- Last Updated October 20 2023
LET Reviewer: Filipino Part 6
Filipino Part 6
1. Alin sa mga sumusnod ang tungkulin ng pahayag pangkampus?
I. maging tagapagturo
II. maging tagapaglahad ng mga kuro-kuro na maaaring magsilbing daan sa pag-unlad
III. Maging talaan sa mga mahahalagang pangyayari o Gawain sa paaralan
IV. maghatid ng impormasyon
A. I at II lamang
B. III at IV lamang
C. I, II at III
D. I,II,IIIat IV
2. Alin sa mga sumusunod ang may tamang paghahambing sa pagkakatulad at pag kakaiba ng tatalong bahagi ng pahayagan.
BLG ASPEKTO BALITA EDITORYAL LATHALAIN
1 KATUTURAN Ulat sa isang pangyayari Sansaysay batay sa tunay na pangyayari Opinion sa isang pangyayari
2 LAYUNIN Magbigay kabatiran sa isang pangyayari Manlibang o pumukaw damdamin Magbigay ng opinion o interpretasyon sa isyu
3 BALANGKAS/ANYO Baligtad na pyramide Ayos piramide Ayos piramide
4 HABA mahaba Tama lamang Maaring maikli o mahaba
A.1
B.2
C.3
D.4
3. Anong literal device ang ginagamit sa isang lathalain upang maging ganap ang kabisaan nito?
A. Literari
B. journalistic
C. argumentative
D. prosedyunal
4. Tukuyin kung saang bahaggib pahayag pangkampus matatagpuan ang mga sumusunod na bahagi.
A. Pangmukhang pahina-nameplate, banner head banner news, pamatnubay o lead klitse (cut, kurapsyon, oveline, kiker, masthead
B. Pahina ng pangulong tudling – polya, falg, caricature, editorial liner, liham sa patnugot
C. Pahinang pangpalaksan o isports – balitang pampalakasan tudlign pampalakasan lathalaing pampalakasan, crosswords puzzle
D. pahinang pampanitikan –maikling katha, tula, pangulo tudling suring pelikula sanaysay.
5. Basahin ang mga sumusunod na balita at tukuyin ang ginamit na uri ng pamatnubay
Resulta ng LET inilabas na
Inilabas na ng Philipines Regulation Commision (PRC) ang resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) na kinuha noong Marso 29, 2015. Itinayang may kabuuang 27.42 bahagdan ang nakapasa ang nakaspasa mula sa elementarya, samantala 31.63 bahagdan naman ang mula sa sekondarya.
Sa kasalukyan ay ihahanda ang gawaing seremonya ng panunumpa na kung saan ang petsa at lugar ay iaabiso na lamang ng nagsasabing ahensya kapag napagdesisyunan na.
A. kumbensyunal o kabuuang pamatnubay
B. panimulang pambalarilang pamatnubay
C. Di-kumbensyunal o makabagong pamatnubay
D. Pamatnubay na patakda
6. Pansinin at unawaing mabuti naturang halimbawa ng pamatnubay sa ibaba tukuyin ang uri nito.
Hala bira para sa UPCAS sa muling pagsungkit ng Regional Cup
A. Parody Lead
B. Epigram lead
C. Punch lead
D. Startler o Astonsiher Lead
7. Ito ay uri ng balita na nababatay sa tunay na pangyayari na gaya ng pagkakaayos ng kwento.
A. accident story
B. news feature
C. In-depth news
D. News brief
8. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng editorial na namumuna?
A. Pacquiao: sa pagbuklod ng lahing Pilipino
B. itaguyod ang K to 12: tugon laban sa Deskriminasyon sa Asya
C. Paglaganap ng AIDS: Paano Maiiwasan?
D. Trabaho sa ibang bansa: pera o pamliya?
9. Pag-ugnayin ang akda at ang karaniwang rehiyon nito.
A. Pananambitan : Bisaya
B. Pabanud : Pampanga
C. Badeng : Bikol
D. Paghidlawas |: Pangasinan
10. Isang kwentong rehiyunal na sumasalim sa kahirapan ng buhay ng mga tao sa panahon ng digmaan.
A. Ang hunsoy (Cebu)
B. Si pingkaw
C. Si hadis (Tausug)
D. Isang hadis (bikol)
11. Ang pangunahing tauhan sa patulang akdang kapampangan na pinagamatang “Ang Baho ng Central “ na isang amang mangingsda na namatayan ng anak bunga ng kahirapan dahil sa patuloy na pagdumi ng dagat na pinagkukunan niya ng ikinabubuhay.
A. Berto
B. Delfin
C. Imo
D. Sendong
12. Isang akdang rehiyunal na tumutukoy sa mga dasal at kabutihang loob para sa buhay na walang hanggan kasama ang ilang panrelihiyong paniniwala ng Muslim
A. Agyu
B.Delfin
C. Imo
D. Sendong
13. Ayon sa akdang bikol na pinamagatang “Piyon” ni Honesto M. Pesino, jr. ano ang ipinanalangin at sinasambit ng piyon n asana lunurin ng tubig sa timba sa timba?
A. kasalanan
B. kasamaan
C. kahinaan
D. kahirapan
14. Ayon sa kwentong Pangasinan na pinamagatang “Gayuma ni Lolo Simeon” ni Leornarda Carrera, nagamit ba ni Felino ang gayuma sa panunuyo sa pagsungkit sa puso ni Celia?
A. Oo, kaya’t sa huli sila’y nagging mag-asawa
B. Hindi, sapagkat binagabag siya ng kanyang konsensya
C. Oo, upang mapagtagumpaya niya ang kanyang pagkatorpe sa dalaga
D. Hindi, bagama’t pina ang binata hinggil ditto.
15. Ibigay ang mensaheng haid ng sumusund na pahiwatig mula sa akdang Cebuano na “Paalam na sa Pagakabata”
“Ang langit ay nasa tao, hinid nakikita, hindi nahihipo, hindi naabot.”
A. Ang langit ay lugar na tao na itinuturing na paraiso
B. Ang langit ay nasa puso ng isang tao, ang kabutihang loob, kapayapaan ng isisp at kalinisan ng budhi ang kaganapan nito
C. Ang langit kailanman ay di makikita, mahihipo o maabot ng tao.
D. Ang langit ay inihanda para as tao at ito’y hindi makikita at maabot lalo na ng mga yaong hindi nararapat ditto.
16. Ibigay ang damdaming napapaloob sa sumusunod na kaisipang halaw sa kwentong “ Si pingkaw”.
……….. Sa tunggalian ng pamumuhay sa tamabakan, naroon ang isang taong handang tumapak sa ilong ng kanyang kapwa tao mabuhay lamang.
A. Pagkainggit
B. Pagkamakasarili
C. Pag-iimbot
D. Mapanghusga
17. Isang uri ng makabagong awit na kadalasan binibigkas nang patula ang bawat linya nito na magkakatugma sa saliw ng isang naangkop na tugtugin.
A. Acoustic
B. Rock music
C. Rap
D. Ballad
18. Naging popular sa kulturang Pilipino ang pagkahumaling sa mga bayaning may taglay na kakaibang kapangyarihan sa pagtanggol sa sanlibutan at inidolo ng baying tulad nina Capt. Barbel, Dyesebel, Gagambino at lastikman na mga kathang – isip ng malikot na guniguni ni Mars Ravelo. Sa anong unang komiks ito ang unang naiguhit at nabasa ng masa?
A. Aliwan
B. Klasik
C. Pilipino
D. Hiwaga
19. Si darna isang kathang-isip ay isang babaing tagapagtangol ng daigdig mula sa mga element ng kasamaang mula sa ibang planeta. Sa pagsasapelikula ng ng nasabing akdang pangkomiks, sino ang unang gumanap bilang darna?
A. Liza Moreno
B. Gina Pareno
C. Vilma Santos
D. Rosa Del Rosario
20. Ito ang may pinakamahanbang soap opera o teleserye na nakahiligan ng mga Pilipino sa kani-kanilang tahanan sa kasaysayan ng telebisyon?
A. Pangako sa iyo
B. Mara Clara
C. Gulong ng palad
D. Yagit
21. Pinuntahan __________ mag-aaral ang maraming pook na nagging bahagi ng kasaysayan.
A. ang
B. ng
C. nang
D. ni
22. Ipinakita ng anany kay Osang ang paglinis ng isda “tignan mong mabuit_______________ ang paglilinis ng isda” ang sambit nya niya.
A. gayon
B. ganito
C. ganyan
D. ganoon
23. Halika, kausapin natin ____________ Charito at loida upang huwag mainip habang hinihintay ang ating kasama.
A. sina
B. si
C. nina
D. nina
24. Binasa ______ Nenita at Blesida ang mga aklat na ipinadala sa kanila ng kanilang ina tiya.
A. nila
B. kina
C. kila
D. nina
25. Ang sakahan ninyo at ang sa amin ay __________ subalit ang inaani naming palay ay _____________.
A. magsinglaki:marami
B. kasinglaki: kasingdami
C. magsinlaki: hihgit na marami
D. malaki: marami
26. Halos ay _________ na dumating sa pagdiriwang kahapon sina Nita at Tenza.
A. magkasabay
B. magkakasabay
C. sabay-sabay
D. sinasabay
27. Bkait ka ba pawisang-pawisan? ___________ mo ang pawis mo sa iyong mukha .
A. Pahirin
B. Pahiran
C. Pahidan
D. Ipahid
28. Ating _________________ ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maikling katha.
A. isubok
B. subukin
C. subukan
D. masubok
29. Maraming pananim sa aming bakuran, _________________ patola ampalaya at okra.
A. bukod sa
B. maliban sa
C. sa halip n
D. kaysa
30. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayri upang ang diwa ng talata.
1. Ibinalita ito sa kanyang ina
2. Nalaman niya ang resulta
3. Naghanda sila ng kaunting salu-salo
4. Tuwang tuwa sia sa pagkakapasa niAna
5. Nakapasas sa pagsusulat si Ana sa LET
A.5-2-1-4-3
B. 3-5-2-4-1
C. 2-5-1-4-3
D. 1-4-2-5-3
31. “Ang pangulo ng bansa ay nagtungo sa bansang Kora at siya ay nakapagkita sa embahada upang mapag-usapan ang solusyon hingil sa usaping pangkayapaan sa Pilipinas”
Tukuyin ang bilang ng sugay na makapag-iisa (SM) at di makapag-iisa (SDM)
A. 1SM +2 SDM
B. 2 SM + 1 SDM
C. 2 SM + 2 SDM
D. 3 SM + 1 SDM
32. Kpag ang isang tao ay nagpahayag ng kanyang tayo 0 paninindigan hinggil sa isang isyu gamit ang iba’t ibang batayan, ito ay nabibilang s pahayag na ____________ .
A. paglalahad
B. pagsasalaysay
C. paglalarawan
D. pangangatuwiran
33.Kung balbal ang pinakamababang antas ng wika, itinuturng naman na pinkamataas ang ______________ .
A. lalawigan
B. teknikal
C. kolokyal
D. pampanitikan
34. Ang komunkasyon ay mabisa at mahalaga. Ang simuang magahangad na maiagpang ang sarili sa lipunang ginagalawan ay gumagamit ng pinakabagong paraan ng komunkasyon.
A. Pagbibigay katuturan
B. Paglalarawan
C. Pagbibgay kahulugan
D. Pagtukoy
35. Ang pagbibigay ng panuto ay isang pinakpraktikal na anyo ng paglalahad. Alin sa mag sumusunod ang dapat taglayin ng isang panuto upang ito ay maging ganap na madaling maunawaan?
1. Tiyak 2 Payak 3 Maliwanag 4. Mahaba
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1, 2 at 3
D. Tambilang 1,2,3, at a4
36. Isang anyo g pagpapahayag ng kaisipan at paglalahad ng ideya ang paggawa na paalala o islogan lalo na sa klase. Ang mga sumusunod ay ilang mga panuntunan maliban sa isa
A.tiyakin maikli o may dalawang taludturan lamang
B. Gumamit ng mga salitang may malalim na kahulugan
C. Marapat na tama ang baybay o pagbabantas
D. Alamin kung tama ang kahulugan ipinahahatid
37. Ano ang mga dapat tandaan sa pagkuha ng tala sa isang panayam?
I. Ihanda ang mga kinakailangan kagamitan bago dumalosa sa isang panayam
II. Suriing mabuti ang mga tanong kung naayon o nauugnay sa gawaing panayam
III. Makinig nang mabuti upang maisulat ang mahahalagang kaisipan
IV. Ayusin ang mga kinuhang mahahalagang kaisiapan
A. I, II at III
B. I, II at IV
C. II, III at IV
D. I, II, III at IV
38. Ang tanawig ito’y pangakaraniwan sa Pasigan ng Wakiki kung malaki ang dagat at nagngangalit ang alon. Isang isport ito ng mga taga HAWAII na sari-sarili lamang nila.(Halaw sa Aloha ni Deogracias A. Rosario ni Baello, et.al 2004)
A. talatang may paksang pangungusap na lantad
B. talatang may paksang pangungusap na di-lantad
C. Talatang walang pangungusap
D. talalatang amy maramihang paksang pangungusap
39. Ang talata ay lipon mga pangungusap na kailangan umiikkot sa isang kalahatang ideya at may paksang pangungusap na nagsisilbing patnubay sa pagbuo ng kasunod na pangungusap. Anong katangian ito ng talata?
A. Kaugnayan
B. Katuturan
C. Kabuuan
D. Kaisahan
40. Pansinin ang mg sumusunod na pangungusap at tukuyin ang cohesive device na ginamit.
Siya ang nagluto ng kanyang pagkain at siya ang naglalaba ng kanyang damit (Halaw sa Ang Kura at Agwador ni Rogelio K. Sikat sa Baello et.all 2004)
A. Anapora
B. Katapora
C, Denotasyon
D. Konotasyon
41. Sa awiting “Annie Batumbakal” na pinasikat ng grupong Hotdogs, isinasaad na si Annie ay taga ______________ .
A. Recto
B. Frisco
C. Mabini
D. Paco
42. Ito ay pelikulang pinagbidahan ni Nora Aunor bilang Corazon dela Cruz na ipinalabas noong 1976 unang pelikula na may elementong pagbatikos sa pamamalagi ng base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas na humakot ng halos limang karangalan sa ika-25 Famas Award.
A. Himala
B. Bulaklak ng City Jail
C. Minsan may isang guro isang Gamu-gamo
D. Tatlong taong walang Diyos
43. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan?
I. Ito’y higit na personal
II. Isa itong pagtatangka a pagsisikap na matalakay ang isang aspeto ng paksa.
III. Malaya ito sa pagpili ng anyo o pormang nais gamitin
IV. Nakakahikayat ito kahit na nasa anyong paglalahad
A. I at II lamang
B. III at IV lamang
C. I,II at III
D. I,II,III at IV
44. Basahing mabuti ang isang talatang halaw sa “ Pagsilang: Pag-iisa” ni B.S medina. Pansinin at tukuyin ang estilo ng simula nito.
Iniluwal ka siang umaga sa silid ng iyong ina- madilim, maliwanag, aywan mo pagkat may bahid pa ng karimlan ang paningin at ikaw ay pumalaot sa isang paghihintay hanggang sa Makita mo an gang iyong daigidig – hiwalay sa I na.
A. Paggamit ng siniping pahayag
B. Paggamit ng isang pambungad na salaysay
C. Paggamit ng salita o dayalogo
D. Paggamit ng pangungusap
45. Ano ang ipinapahiwatig ng bahagi ng sanaysay?
A. Ang tunog bilang hudyat ng pag-unlad
B. Ang pagtayo ng isang gusali
C. Ang ingay ng syudad bunga ng pag-unlad
noD. Isang pagpupugay sa mga inhinyero at manggagawa tungo sa pag unlad
46. Paano inilahad ang bahagi ng sanaysay?
A. Tiyak patungo sa pasaklaw
B. Pasaklaw patungo sa tiyak
C. Payak patungo sa masilmout
D. Di gaanong mahalaga patungo sa lalong mahalaga
47. Kapag ang talumpati ay gumamit ng isang anekdota bilang pamukaw-sigla na binibigkas nang buong sigla, Masaya at bakas na mukha, buhay na tinig at madulas na pagsasalita ito ay malinaw na nagpapamalas ng___________ .
A. Talumpating nagbibigay kabatiran
B. talumpating nagbibigay galang
C. Talumpating naglilibang
D. Talumpating naghihikayat
48. Kung ikaw ay bubuo ng rubric o batayan sa pagmamarka o paghatol ng isang talumpatian alin sa mga sumusunod na pamantayan ang bibigyan mo ng pinakamataas na bahagdan?
A. Paglalahad (pagtalakay sa paksa, pagkakasunod-sunod ng diwa, linaw ng pagpahayag, kahusayan sa pagsasaulo)
B. Tinig (lakas, tagingting, kaangkupan sa diwa at damdamin)
C. Hikayat (pang-akit sa madla)
D. Kakayahan sa pagtatalumpati (tindig, bigaks, kilos, pagsasaulo.0
49. Talumpating madalas napapakinggan sa panahon ng halalan ay tinawag na __________________.
A. talumpati ng pasasalamat
B. talumpatio ng paghahandog
C. Talumpati ng pagmumungkahi
D. talumpati ng pagpapakilala
50. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin ng isang mabuting talumpati?
I. ang mananalumpati ay dapat taglayin ng isang mabuting talumpati?
II. Sa pag-akyat sa entablado, ang mananalumpati ay dapat lumakad nang masigla at may tiwala sa sarili
III. Maaring gumamit ng pagkumpas ang mananalumpati upang maihatid sa mga nakikinig ang isang kaisipan o damdamin
IV. Dapat ang mananalumpati ay higit na nakatuon sa talumpati kaysa sa tagapagpakinig
A. I at II lamang
B. III at IV lamang
C. I, II at III
D. I,II,III at IV
51. Sa pagbuo ng banghay-aralin sa pagsusuring, pampanikan, anong anyo ng pagsusuri ang tumutugon sa layuning makilala ang kasinginan ng paggamit ng mga salitang nakatago ang kahulugan?
A. Pagsusuring panglingwistika
B. Pagsusuri pangnilalaman
C. Pagsusuring pampanitikan
D. Pagsusuring pampagpapahalaga
52. May mga akdang sumasalamin sag a kababaihan ang kanilang buhay, pakikipagsapalaran, karapatan at papel na ginagampanan sa lipunan. Sino sa mga sumusunod na may akda ang kadalasang nagtatampok na may akda ang kadalasang nagtatampok ng ganitong anyo ng akda?
A. Elena Patron
B. Genoveva Edroza-Matute
C. Lualhati Bautista
D.Liwayway Arceo
53. Sa pagtatalakay at pagsusuri ng isnag akda, kadalasa’y napagtututuunan ng pansin ang mga detalye, element at bahagi nito upang itanghal ang pagiging masining at malikhain nito. Anong pagdulog sa panunuring pampanitikan ang napapaloob ditto?
A. Moralistiko
B. Istaylistik
C. Pormalistiko
D. Bayograpikal
54. Basahin at unawain ang sumusunod na tanong ng guro sa pagsusuri ng isang akda.
Ang mga tagpo sa kwento ay nagpapakita ng takot, pangamba at pagkabigo ng ng tauhan. May paraan pa kaya upang angmga ito’y mapagtagumapayan?
Anong dulog sa panunuring pampaitikan ang ipinamalas sa nabangit na tanong?
A. Sosyolohikal
B. Sikolohikal
C. Moralistiko
D. Istaylistik
55. Sa panunuring moralistiko anong tanong ang pinakaepektibong gamitin upang magsilbing gabay-lunsaran para sa isang malayang talakayan?
A. Ano ang depinisyon ng pag-ibig sayo?
B. Makatwiran bang isakdal ng isang anak ang kanyang ina dahil sa nagawa nitong kasalanan
C. Anong uri ng pagamamahal ang maari mong ialay sa iyong mga magulang
D. Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao>
56. Sa akdang “Kwento ni Mabuti” na isang tanyag na akda sa gintong panahon na iniulan ni Genoveva Edroza-Matute ay sumasailalim sa bayograpikal na konteksto ng may-akda. Kung gayon, ang may akda ay isang ________________.
A. mag-aaral
B. guro
C. punungguro
D. magulang
57. Bilang panunuring historical ang “Mabangis na Lunsod” ni Efren Abueg ay sumasailalim sa isang lugar na ayon sa may-akda ay mga tagpong madalas niyang masaksihan sa tuwing siya ay mapapadaansa naturang lugar sa kanyang pag-uwi mula sa skwela. Ang kanyang tinutukoy na mabangis na lungsod ayon sa kwento ay _________________ .
A. Avenida
B. Quiapo
C. Mabini
D. Tondo
58. Sa anyong panunuring bayograpikal, matatalos sa kabuuang mga saknong ng Florante at Laura ni Balagats ang napapaloob na kanyang apat na himagsik. Anu-ano ang mga ito?
1. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
2. Himagsik labanasa hidwang pananampalataya
3. Himagsik laban sa maling kaugalian
4. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
59. Ito ay isang mabisang estilong ginagamit sa paglikha ng maikling kwento na kung saan sinisumulan ito sa pamamagitn ng paglalahad ng may akda ng isipan at damdamin ng isang tauhan na siyang nagsasalaysay.
A. Dayalogo
B. Baliktanaw
C. Daloy ng kamalayan
D. Pagsunod-sunod ng taagpo
60. Ang kwentong “Suyuan sa Tubigan”Macario Pineda ay maituturing na isang halimbawa ng ________________ .
A. kwentong pangkatauhan
B. kwentong pangkatutbong kulay
C. kwento makabanghay
D. kwentong pangkaisipan
61. Bahagi ng kwento na nagdudulot ng pananabik sa mambabasa ang bawat tagpo sa kwento at dito nababatid ang katayuan ng tauhan hinggil sa kanyang pagkabigo o tagumpay.
A. Tunggalian
B. Kakintalan
C. Kalakasan
D. Kasukulan
62. Alins amga sumusunod ang maituturing na salik maikling kwento?
A. Kabanghayan, kakintalan, kapanahunan
B. Kaganyakan, kakayahan, kaliwanagan
C. Kakanyahan, kalaliman, kalikhaan
D. Kaiuturan, kahimigan, kabanghayan
63. Ibigay ang interpretasyon ng dayagram sa ibaba hinggil sa pagkaugnay ng dalawang konseptong panitikan.
A. ang maikling kwento ay pinakulay na nobela
B. Ang maikling kwento ay pinaikling nobela
C. Ang maikling kwento ay pinaikling nobela
D. ang maikling kwento ay pinalalim na nobela
64. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng maikling kwento?
I. Isang madula at di malilimutang bahagi ng buhay ang paksa nito
II. May isang pangunahing tauhan na may masalimot na suliranin at gampanin
III. Nakatuon ito sa mahahalagang tagpo
IV. May tiyak na paksa at limitadong konsepto
A. I at II lamang
B. III t IV lamang
C. I,II at III
D. I,II,III at IV
65. Basahin at ianalisa ang sumusunod na tafpong halaw sa isang kwento. Tukuyin ang pamagat ng kwento kung san ito hinango.
Tinapakan ng batang babae ang kupi at kalawanging lata ng gatas. Nanggigipapal sa alabok ang kanyang paa’t binti. Kaypala’y may mga pitong taong gulang lamang siya.
Hinawi ng bata ang ilang hibla ng tuwid di malagong buhok na lumaylay sa kaniyang mukhang nangingintab sa pawis. Bahagya siyang yumuko. Nagpalinga-linga. Paikot na sinuyod ng tanaw ang kabuuan ng makipot na bakuran. Malilikot ang bilugan at maiitim niyang mata.
A. Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg
B. Di Maabot ng kawalang Malay ni Edgardo Reyes
C. Paglalayag sa pusod ng isang bata ni Genoveva Edroza-Matute
D. May isang munting pangarap ni Gervacio Santiago
66. Ito ay kwentong naglalahad ng mga di kanais-nais na kalakaran sa loob ng klasrum na kung saan binibigyang diin ang iba’t ibang katangian ng guro, katayuan ng mga mag-aaral maging ang mga kapuna-punang Gawain.
A. Ang kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute
B. Ganti ni liwayway Arceo
C. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes
D. Utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
67.Hanapin ang kapares ng sumusunod na salita
Makata ng Manggagawa: Amado V. Hernandez ; Makata ng pag-ibig: _____________
A. Pedro Collantes
B. Jose Corazon De Jesus
C. Francisco Balagtas
D. Jose Dela Cruz
68. Ilang sukat mayroon ang naturang saknong ng tula?
A. Wawaluhin
B. Lalabingdalawahin
C. Lalabing-nimin
D. Labing-apatin
69. Ang sumusunod ay pamaraang ginamit ng makata upang magtaglay ng kariktan ang tula maliban sa isa.
A. Paggamit ng piling salita at imahen na nakapupukaw ng imahinasyon ng mambabasa
B. Paggamit ng mga simbolo at tayutay
C. Paggamit ng anaphora at katapora
D. Pagpatingkad ng karanasang malimit na hindi pinahahalagahan
70. Anong diwa ang napapaloob sa nabanggit na tula?
A. Sa pagkakataong malayom magakamali at mapariwara ang isang anak nawa’y matutong mag-isipat mag nilay bago pa tuluyang masawi sa buhay.
B. Ang buhay ay paikot-ikot lamang minsan ika’y nasa ilalim minsan naman ay sa ibabaw.
C. Ang haba naman ng pisi ng pasesensya ng isang tao tulad ng isang guryon napapatid at may hangganan din.
D. Ang taong Malaya ay madalas nakaklimot at nakakawala sa daigidig ng reyalidad.
71. Anong teoryang pampanitikan ang sinasalamin ng naturang saknong?
A. Imahismo
B. Humanismo
C. Klasisismo
D. Eksistensyalismo
72. Basahin at unawain ang saknong na halaw sa tulang “Tinig ng darating “ ni Teo Bayler at tukuyin ang uri nito.
Kahubaran at gutom, isipang salanta
Bigay pananalig at pag-asang giba
Ito ba ang aking manang mapapala
Na labi ng inyong taniman at sumpa?
A. Liriko
B. Dramatiko
C. Pasalaysay
D. Epiko
73. Ito ay isang uri ng tulang liriko na isinulat sa isang saknong na may labing-apat na taludtud na hinggil sa damdamin at kaisipan.
A. Haiku
B. Tanaga
C. Soneto
D. Parsa
74. Ipaliwanag ang sumusunod na pahiwatig na halaw sa Kabanata 2 ng El Filibusterismo “Ang tubig ay magiging singaw kapag ito ay inapuyan.”
A. Ang tubig ay mahalaga kaya’t huwag iaksaya.
B. Ang tubig at apoy ay lagging magkaugany ngunit nagkakabanggaan din naman kung magkaminsan
C. Ang matalik na kaibigan ay maari ring maging matinding magkaaway sa paglipas ng araw
D. Ang tao ay natututong lumaban kapag inaabuso na ang karapatan
75. Ibigay ang napapaloob na pagpapahalaga sa sumusunod na kaisipang nakalahad sa ibaba.
“Ang pagbabao ng lahi ay hindi pagwawa sak kundi pagbubuo pagliha , pagpapabunga pagpapaunlad pagbibigay buhay,”
A. Pag-ibig ang kalutasan sa lahat na bagay sa mahimong paraan.
B. Ang pagbabago ay nagsimula sa bawat indibidwal
C.Ang bago henerasyon ay nagmula sa binuo, nilikha at pinaunad na lipunang ginagalawan.
D. Ang buhay ay nakasalalay sa pagbbuo paglikha pagpapabunga at pagpapaunlad
76. Ayon sa El filibusterismo, si, Simoun ay tinawag na Cardinal Moreno dahil ______________________.
A. malapit siya sa mga kaparian
B. dating konektado siya sa simbahan
C. sa kanya pagbabalkayo at pagbihis anyo
D. siya ay makapangyarihan at may kaitiman ang kulay
77. Sa pagwawakas ng obrang Florente at Laura, nagkaroon katahimikan at sa kaharian ng Albanya sa pamumuno ni Florente at sa Persya naman sa Aladin. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May kanya-kanyang natakdang kaparalan ang bawat nilalang
B. Ang relhiyon ay hindi hadang sa pagtatamo ng kapayapaan kung may ganap na pagkakaunawan lamang
C. Kailangan ng bawat bayan ang isng masigasig at matatapang na pinuno
D. Ang Albanya ay Persy ay may kani-kaniyang adhikaig dapat isulong
78. Ayon sa saknong 180 ng Florante at Laura, saan hango ang pangalan ni Florente na sumasailalim sa buhay a pighati nito?
A. Bulaklak
B. Lumuha
C. Tagapagtanggol
D. Pag-ibig
79. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa pinakatampok na kasukdulan ng naturang obra maestro.
1. inilapat ni Aladin si Florante sa isng malapd at malinis na bato
2. Nakaramdam ng awa at kunis s Aladin sa tuwing nagigising si Florante na naghihinagpis.
3. Nahikayat tumikim ng baon ng gerero si Florante kaya Bumuti ang kalagayan
4. Nais malaman ni aladin kay florante ang kanyang paghihirap
5. Niyakap ni Aladin si Florante nag ito ay magaling na.
A. 1-2-4-3-5
B. 1-4-5-2-3
C. 1-3-4-2-5
D. 1-2-3-4-5
80. Ang mga sumusunod ay dahian kung bakit isinulat ni Balagtas abg Florante at Laura maliban sa isa.,
A. Dahil sa sakit ng pus nang mabalitaang ang kanyang pinakamahal ay ikakasal sa iba
B. Dahil sa malakas na kapangyarihan at impluwensya ng simabahan na lumasonsa isipan ng mga Pilipino
C. Dahil sa pagsensora sa mga panitikang Pilipino
D. Dahil sa hinanakit niya sakanyang mgamagulang at hinagpis sa buhay
81. Basahin at uwain ang sumusnod na saknong na halaw sa Florante at Laura. Tukuyin kung kanino ito patungkol at ang pagpapahalagang napapaloob dito.
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat
Masaklap na bungal ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog
A. Magulang – tamang pagpalaki sa anak
B. Anak – tamang pagsunod at respeto sa mga magulang
C. Magulang – pagtataguyod sa pangangailangan ng anak
D. Anak- pagkalinga sa mga magulang sa pagtanda ng mga ito
82. Ibigay ang analohiya ng obr maestro at ang natatanging pinaghandugan na nagsilbing repleksyon ng kabuuang nilalaman nito.
A. Ibong Adarna: kababaihang Pilipino
B. Florenta at laura : Kasintahang Celia
C. Noli Me Tangere: Tatlong paring martir na Gomburza
D. El Filibusterismo :Katipunan
83. Kung susuriin angmga akda ano ang pagkakaulad ng Florente at Laura at El Filibusterismo?
A. pareho sila ng genreng kinabibilangan
B. parehong may pinagdaanang kasawian sa pagibig ang mga manunulat na napapaloob sa akda
C. parego silang ng ga mag-aral sa buahy, pahiwatig at pagpapahalaga
D. pareho ng element ang mga nabanggit na akda maging ang kanilang wakas
84. Sa obra maestrang Ibong Adarna, nabangit na pito ang nagging sugat ni Don Juan dahil ____________ .
A. pitongbeses umawit ang ibon
B. Pitong beses niyang natakpan ang dumi ng ibon
C. Pitong beses naglagas ng balahibo ang ibon
D. Pitong beses siyang naghiwa
85. Sa pagtungo ng makakapatid na Don Diego at Don Pedro sa Bundok Tabor upang kunin ang ibon para s alunas karamdaman ng ama, ipnasya nila na _________________________.
A. Huwag munag magbalik hangga’t hindi nakikita si Don Juan
B. huwag magbalik hangga’t hindi nakikita ang ibon
C. magdala ibang ibon para sa hari
D. humahanap ng ibang kaharian at doon na manirahan
86. Ayon sa obra maestro Noli Me Tangere, bakit pinarusahan si Crispi ng sacristan mayor sa pamamagitan ng paghimpil sa bata nang matagal sa simbahan kahit bisperas ngna Kapaskuhan?
A. dahil sa paratang na pagnanakaw sa onsa
B. dahil sa pagbubunyag vng lihim ng simbahan
C. Dahil sa pagsuway sa ipinagutos ng mga kaparian
D. Dahil sa maling pagkalembang ng kampana sa simboryo
87. Naparatang si Ibarra ng simahan ng isang erehe dahil sa ________________ .
A. pagsiwalat sa kabulukan ng sistema ng simabahan
B. panunuligsa sa pagmamalabis ng mga prayle
C. hindi pagsisimba at panguungumpisal
D. hindi pag ayon- sa mga tradisyong panrelihiyon
88. Pagtambalin ang dalawang magkaugnay na taludtud na halaw sa obra maestrang ibong. Adarna upang mabuo ang kaisipan nito.
1. Walang isa mang dumapo pagtapat ay lumayo
2. Dapatwa’t wala, walang ibong nakita sa punong –kahoy
3. At lalong pinatamis ang sa adarnang
1. Bawat isang kanta’y isang bihis ng balahibong marikit.
2. Ang adarnang may engkanto anino ay di anino
3. Di naman lang marahuyo sa sanga muna’y maglaro
A. 1-2
B. 2-3
C. 3-1
D. 3-3
89. Ibigay ang interpretasyon ng sumusunod na pahiwatig.
“Ako ay maglalakbay sa dagat ng pakikitalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid.”
A. Pamasyal sa ilalim ng dagat
B. Pagtuklas ng mahalagang bagay sa dagat
C. Pakikipagsapalaran na may tiyak nna layunin
D. Pagpalaot sa dagat upang masisid ang isang pangarap
90. Sa dulang “Moses, Moses” binaril ni Regin ang kanyang anak na si toy dahil alam niyang kapag nailabas ito ng bahay nila ay papatayin din siya ng mga pulis at at palalabasin na siya tumakas. Anong pagbabagong pangakaisipan ang hatid ng naturang tagpo?
A. Hindi mahal ni Regina ang anak kaya’t nagawa niya ang pagpatay.
B. Nagawa ni Regina ang pagpatay sa anak dahil wala siyang tiwala sa batas
C. Mayt deperensy sa isip si Regina kaya nagawa niya ang ganoong krimen sa sariling anak
D. Nagawa ni Regina ang pagpatay sa anak dulot ng matinding galit nito
91. Ano ang pagkakaiba ng awit at korido?
A. Ang awit at may walong pantig sa bawat taludtud, samantalang korido ay ang kabaligtaran nito.
B. Ang korido ay tulang pasalaysay, samantala ang awit ay tulang pandamdamin
C. Ang awit ay may karanasang kababalaghan na di maaring maganap sa tunay na buhay, samantala ang korido ay makatotohanan at reyalidad ang buhay.
D. Ang korida ay may mabilisna himig o allegro, samantala ang awit ay may mabagal na himig o andante.
92. Suriin ang iskala ng mga salita sa ibaba. Alin ang may tamang balangkas ng kaibiguan ng may-akda at impliksayon at nito sa akda na taglay ng pangunahing tauhan
May –akda → Akda→ Pagibig→ Karibal →Tauhan sa Akda
A. Rizal →Noli Me Tangere→ Leonor Rivera →Paciano→ Maria Clara
B. Balagtas→Florante at Laura→Maria Asuncion Rivera→ Joseng Sisiw → Maria Clara
C. Rizal El Filibusterismo →Leonor River →Charles Kipping →Paulita Gomez
D. Balagtas →Orozman at Zafra→ Maria Asuncion Rivera→ Mariano Kapuli → Safra
93. Sino sa mga tauhan sa Noli Me Tangere sumisimbolo sa babaeng Pilipina?
A. Maria Clara
B. Dona Victoria
C. Sisa
D. Ines
94. Ang Metamoray nagbabago at pag-unlad ng tauhang ng isang akda sa pagpatuloy ng panibagong kabanata o kasunod na akda. Sino tauhan sa Noli Me Tangere ang nagtataglay nito sa panibagong yugto ng akda na pinamagatang “EL FILIBUSTERISMO”?
A. Basilio
B. Crispin
C. Maria Clara
D. Elias
95. Ayon sa kasasaysayan ng mga obra maestra nobela ni Jose Rizal, mayroon siyang ikatlong nobela na kanyang nasimulan subalit hindi niya natapos dhail sa nalalapit niyang araw ng kamatayan. Ito ang pinamagatang ______________ .
A. Ang huling kabanata
B. Sa aking pagkabata
C. Makamisa
D. Sa ilog Pasig
96. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa obra maestra Ibong adarna.
1. Sinabe ng ermitanyo kay Don Juan na ang Adarna ay may taglay na engkato
2. Binigyan ng labaha at pitong dayap ang prinsipe upang mapaglabanan ang antok
3. Natagpuan ni Don Juan ang dampung ang dampang itinuro ng matanda
4. Nakita ng prinsipe ang ibinigay niyang tinapay sa matanda sa hapag kainan ng Ermitanyo
5. Ipinagtapat ni Don Juan sa Ermitanyo ang sadya niya
A. 5-1-3-4-2
B. 2-5-1-4-3
C. 3-4-5-1-2
D. 1-2-3-4-5
97. Dugtungan ang sumusunod ng t aludtud upang mabuo ang kanyang ang saknong ayon sa taglay nitong kaisipan na halaw sa obra maestrang Ibong Adarna.
Bakit ang ibong adarna sinasabing anog ganda…….
A. Ito’y kanyang binulungan ng balak na kataksilan
B. May araw ring malalaman ang nangyaring kataksilan
C. Ngayo’y ayaw nang kumanta, nanlulugo’t pumapangit pa
D. Sa ama’y agad naturing “Ibong Adarna’y dala naming”
Kung dudugtangan ang nabanggit na na taludtulad na halaw sa isa kabanata obra maestrang Ibong Adarna sinasabing anong ganda
Ngayo’y ayaw nang kumanta nanlulugo’t pumangit pa
98. Pilin ang may wastong pamagat ng akdang Asyano, ang bansang kinakatawan orihinal na may akda at nagsalin nito.
AKDA BANSA MAY-AKDA NAGSALIN
A Mga magnanakaw Thailand Yanti Soebiakto Ismael Tafiq
B Kapag nakita ko ulit si Hui San Indonesia Wong Meng B. S Medina Jr.
C Hanggang sa huling hininga Singapore Chayasi Sunthophiphit Elizabeth Aguilar
D Ang ikatlong Malaysia Shanon Ahmad B.S Medina, Jr
99. Sa akdang “Daigdig na walang Hanggan” na salin ni Elizabeth Aguilar mula sa orihinal na “An Endless World” ni Kabir ng India, ano ang tinutukoy na daigdig na walang hanggan?
A. Planeta
B. Paraiso
C. Langit
D. Mundo
100. Ibigay ang pahiwatig ng akdang mula sa Bansang Hapon na “ Tumatanggap ako ng mga
Bulaklak sa Araw na ito” ni Saki Ballesteros at salin ni Ria Ross Alonso.
A. Wagas na pag-ibig na iniaalay ng mga kalalakihan sa mga kababaihan
B. Pagkahumaling ng mga kababaihan sa bulaklak bilang tanda ng pagmamahal
C. Hinggil sa pananakit na sinapit ng mga kababaihan sa kamay ng kanilang asawa
D. Mga panahong hindi malilimutan at patuloy na ginugunita sa tulong ng mga bulaklak
Download this LET Reviewer as well as the answer keys from the button above. If the download button is not working, please leave a comment below and we will fix it as soon as possible.
For the complete list of LET Reviewers, you may follow this link: Downloadable LET Reviewers
TEACH PINAS is not affiliated, associated, endorsed by, or in any way officially connected to any government organization. All the information on this website is published in good faith and for general information purpose only. We, the admins/staff, do not claim any ownership of some content posted here unless otherwise stated. If you own rights to those and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail: [email protected] and we will take necessary actions ASAP. TEACH PINAS does not make any warranties about the completeness, reliability, and accuracy of this information. Any action you take upon the information you find on this website (www.teachpinas.com), is strictly at your own risk. TEACH PINAS will not be liable for any losses and/or damages in connection with the use of our website. Read more...
Add Comment