- Version
- Download 9543
- File Size 139kb
- File Count 1
- Create Date April 14 2020
- Last Updated October 20 2023
LET Reviewer: Filipino Part 7
Filipino Part 7
1. Ayon sa akdang “Tumanggap Ako ng mga bulaklak sa Araw na ito”, anong araw huling tumanggap ng mga bulaklak ang tauhang nagsasalaysay sa tula?
A. Kaarawan
B. Anibersaryo
C. Libing
D. Araw ng mga Ina
2. Samakatuwid ang akdang “Tumanggap ako ng mga Bulaklak sa Araw na ito” ay isang ____________.
A. Komedya
B. Trahedya
C. Romansa
D. Parsa
3. Ayon sa kwentong “Ang Inang Anak” ni Thu Van ng Vietnam, ano ang ibig sabihin ng kamatayang “bat doc ky tu”?
A. Kamatayang parusa ng kasalanan
B. Pagtatakda ng kamatayan ayon guhit ng kapalaran
C. Paglilibot ng kaluluwa ng mga namamtay sa akdisdente hanggang sa araw ng talaga nilang kamatayan
D. Kamatayang biglaan at di napaghandaan
4. Kung susuriin an kwentong Asyano na “Mga Magnanakaw” ni Yanti Soebiakto, ito ay nagpapamalas ng anong teoryang pampanitikan?
A. Sikolohikal
B. Sosyolohikal
C. Markismo
D. Dekontruksyon
5. Ilarawan ang kwentong Asyano “Ang ikatlong Baytang” ni Shanon Ahmad.
A. Ito ay tungkol sa yugto ng pagsilang
B. Ito ay tungkol sa yugto ng kamatayang
C. Ito ay tungkol sa yugto ng buhay
D. Ito ay tungkol sa yugto ng tagumpay
6. Itinuro ni Titser ang wika gamit ang pamamaraang na kung saan inilalahad niya sa mga mag-aaral ang proseso ng paggawa ng mungkahing pangkalakal pagkatapos ay nagtanong siya ng tungkol dito. Ibigay ang layunin ng guro.
A. Nahihinuha ang paksa ng usapan
B. Natutukoy ang mahahalagang kasipan at pagtatanggal ng mga di-mahalaga
C. Nakakalap ang mahahalagang impormasyonsa pamamagitan ng pagtatala
D. Nahihinuiha sa mga pahiwatag na impormasyon ang intension at saloobin ng tagapagsalita
7. Si Jose ay masusing inaanalisa ang mga impormasyon napakinggan batay sa mga ebidesya o patunay. Kung gayon, taglay ng naturang mag-aaral ang ____________ .
A. marginal o passive na pakikinig
B. masigasig na pakikinig
C. mapanuring pakikinig
D. maglugod na pakikinig
8. Kapag ang mag-aaral ay may laton sa pakikinig na mahango ang kahulugan ng mensahe sa pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng datos panglingwistika, maituturing na siya ay gumagamit ng prosesong ___________.
A. top down
B. bottom-up
C. aktibong pakikinig
D. pagdinig vs. pakikinig
9. Basahin at unawain ang sumusunod na dayalogo na ginawang lunsarang ng guro sa pagtuturo ng wika.
Maria: Kumusta na mare, anon a balita sa iyo?
Josephine: Heto mare, Ok naman medyo sinuwerte lang sa Japan. Ikaw balita ko asensado ka na din daw?
Maria: Hindi naman masyado marepinalad lang sa negosyo, alam mo na konting sakripisyo, sikap at uwido
Josephine:Talaga? Kung gayon, masayang-masaya ako para sa iyo, mare
Anong dulog sa pagtuturo ng pakikinig ang kapuna-puna sa nabanggit na usapan?
A. Pagkukumpol
B. Pag-uulit
C. Pinaikling anyo
D. Interaksyon
10. Ang mga sumusunod ay talaan ng mga patnubay o simulating nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng pakikinig maliban sa isa sa. Ano ito?
A. Maglaan ng mga tunog o set ng Gawain na ngkoop sa kakayahan ng mga mag-aaral
B. Tiyakin lubos na nauunawaan ng mga mga mag-aaral ang kanilang gagawin bago ito sisimulan
C. Bigyan ng sapat n panahon ang mga mag-aaral na basain ang mga tanong nila sa pakinggan ang mga mag-aaral na basahin ang mga tanong bago nila pakinggan ang awdyo-materyal na angkop para dito.
D. Maaring iparinig sa klase ang isang awdyo-materyal nang hindi pa paunang pakinggan ng guro.
11. Sa pagtuturo ng isang kwentong napakinggan mula sa isinateyp na material, ano ang maituturing na pinakamabisang estratehiya?
A. Pagguhit sa mga tauhan o tagpuan ng kwento
B. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari batay sa kwentong napakinggan
C. Pagsasadula ng mga pangyayaring mula sa kwentong napakinggan gamit ang sariling likhang dayalog sa kaligiran pang-araw na buhay
D. Pagsusuri sa kwento gamit ang mga cohesive devices
12. Sa pagpaplano ng isang aralin alin sa mga sumusunod ang mabisang gamitin estratehiya bago making?
I. Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong napakinggan
II. Pagtukoy sa ilang dating kaalaman o impormasyon na makakatulong sa pag-unawa ng tekstong pakikingan
III. Pagsasagot sa mga tanong hinggil sa mensaheng napakinggan
IV. Paghawan ng sagabal na talasalitaan na maaring madaanan sa pagtunghay sa pakikinig
A. I at II lamang
B. II at III lamang
C. I, II at IV
D. I,II,III at IV
13. Kung nais ng isang guro ng gumamit ng linya ng awitin bilang lunsaran sa pagkatuto ng pakikinig ano ang maituturing na pinakamataas na antas na Gawain?
A. Ipamalas ang awit na may mga pinalitang linyo nito sa saliw ng likhang musika at indak ng katawan upang mapalutang ang diwa nito
B. Paggamit ng imahenasyon sa pagguhit ng mensahe ng awit
C. Pagbuo ng isang poster o islogan ng halaw sa awit
D. Pagsusuri at pagpapaliwanag ng naturang awit sa anyong debate o talumpati
14. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabilis, daglian at payak na pagkilatis at pagtataya ng kasanayang pagsasalita?
A. Pagbigkas ng isang dagliang talumpati
B. Madamdaming pagbigkas ng isang tual
C. Aktibong pakikilahok sa talakayan
D. Pagganap sa isang tauhan ng dula-dulaan
15. Si titser Abby ay nagbigay ng gawaing pananaliksik sa mga naatasang mag-aaral hingil sa mga napiling paksa at na kanilang iuulat sa susunod na pagkikita. Ang naturang Gawain ay nagtataglay ng anong tungkulin ng wika?
A. Transaksyunal
B. Interaksyunal
C. Interpersonal
D. Reperensyal
16. Alin sa mga sumusunod na gawaing pangklasrum ang nagtataglay ng tungkuling transaksyunal sa pagsasalita?
A. Pagsasagawa ng balitaan
B. Pagpapamalas ng isang dayalog para sa dula-dulaan
C. Pagdaraos ng isang pagtatalo hinggil sa napapanahong isyu
D. Pagbabahaginan ng pananaw sa isang forum
17. Ang pagsasalita na kadalasan nagaganap sa klase tulad ng talakayan, paguulat pagtatanong, lektyur at iba pang kaugnay na Gawain ay nagpapakita ng tungkuling.
A. Direktiba
B. Referensyal
C. Imahinatibo
D.Estetiko
18. Anong tanong ang maaring buuin ng guro na nailalapat sa sumusunod na layunin may tungkulin interseksyunal? “Naipapahayag ang samdamin o niloob at nakapagbibigay ng sariling saloobin o opinion hinggil sa paksa”
A. Kung bibigyan kayo ng pagkakataong maging pangulo n gating bansa, paano ninyo masolusyunal ang kahiarapan?
B. Anu-aon ang mga pangungusap sa loob ng talata ng tumukoy sa konsepto ng sakripisyo
C. Anong konsepto ang napapaloob sa Kwento ni Mabuti?
D. Ano ang dahilan ng madalas na nararanasan pagbaha sa iba’t ibang panig ng mundo
19. Kung magtuturo ng pagbigkas ng tula sa mga mag-aaral ang istilong pagsasanay o drill, ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng proseso?
1. Pagbibigkas ng guro sa tula
2. Sabayang pagbibigkas ng klase sa tula
3. Pagtawag sa ilang mag-aaral para bigkasin ang tula nang isahan
4. Maliit na pangkatang pagbigkas ng bawat bahagi ng tula
20.Ipinalarawan ng guro sa mga mag-aaral ang mga nakasabit na bola sa kisame na may iba’t ibang kulay at laki. Ang mga mag-aaral ay nagbigay ng iba’t ibang pananaw hinggil ditto. Wika ng isang mag-aaral, “Ang mga bolang iyan ay maihahantulad sa pagkakaiba-iba ng tao, may mayaman at may mahirap; may Malaya at may alipin; may pinagpala at mayroon ding pinagkaitan subalit sa dulo ng lahat ay pare-parehosilang nilalang sa sanlibutan mula sa iisang ng Maylikha bagama’t iba-iba ang sinapupunang pinagmulan at baying kinalalakihan.’
Ang naturang pahayag ay maituturing na nasa anong antas ng paglalarawan?
A. Kababawan
B. Kalooban
C. Kalaliman
D. Kaibuturan
21. An mga sumusunod ay mabisang simulain na dapat isaalang-alang ng guro sa pagtuturo ng pagsasalita ng tungo sa maunlad na pagkatuto maliban sa ____________.
A. isaalang-alang ang buong pagkatao ng bawat mag-aaral
B. bawasan ang pagkabahala at pag-aalala ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga aralin mula sa mahirap pagtungo sa madali
C. pananatilihin ang pantay na pagtuon sa kawastuhan at katatasan sa pagsasalita
D. Pag-iba ibahin ang mga kaparaanan ng interaksyon sa klase
22. Dapat bang madalas na iwinawasto ng guro ang pagkakamali ng mag-aaral sa pagbigkas ng istraktura ng wika?
A. Oo, upang ganap niyang matamo ang masteri ng wika nang mabilisan at kaaya-aya
B. Hindi, sapagkat higit na babagal ang knyang pagkatuto dulot ng pandamdaming sagabal tulad ng pagkahiya na maidudulot nito.
C. Oo, sapagkat ang layunin ng pagtuturo ng pagsasalit ay matiyak na nagagamit ng wasto ang mga salita ayon sa istruktura nito.
D. Hindi sapagkat mas mahalaga ang lakas ng loob sa pagsasalita kaysa kawastuhan ng istruktura ng wikang sinasalita
23. Higit na naipapamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan komunikatiba sa pamamagitan ng paglalapat ng wika sa mga sitwasyong pang-araw araw na buhay. Samakatuwid, ito ay nasa yugto ng ___________ .
A. paglalahad
B. pagsasanay
C. paglalahat
D. aktwal na pagsasalit
24. upang ganap na mapaunlad ng guro ang kasanayanang pagsasalita na malimitahan niya ang pagbibigay ng tanong sa talakayan o tinatawag na “core questions” ano an dahilan?
A. Upang mapadali ang talakayan sa klase na kung saan mas marami ang nakakalahok
B. Upang mas maraming mag-aaral ang mabibigyan ng pagkakataong magpahayag ng ideya o saloobin at malayang makilahok sa talakayan
C. Upng mas maraming panahon ang maigugol sa pagsulat ng pagsusulit
D. Upang maging madali para sa guro ang paghahanda at mas malaking panahon ang maigugol sa pagtatama ng Gawain.
25. Ayon kay Coady, kapag ang isang mag-aaral ay nakatuon sa impormasyong pangwika tulad ng balangkas ng pangungusap at batayang hulwaran sa kanyang binabasa, siya ay nagpapamalas ng anong estratehiya?
A. Semantika
B. Sintaktika
C. Leksikal
D. Grapopomik
26. Ang mga mag-aaral ng III-Mahogany ay pinagbasa ng guro hinggil sa mga paksang tumutuon sa mga isyong panlipunan na kanilang ibinahagi sa klase. Pagkatapos mailahad ay binigyan ng pagkakataon ang mga mag-araal na makapaglahad ng sarili nilang pananaw. Ang naturang kaganapan nabanggit ay nagpapatunay lamang na __________________ .
A. ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo
B. ang pagbasa ay isang sistema sa pagtataguyod
C. ang pagbasa ay isang proseso ng pagiisip
D. ang pagbasa ay isang estetiko o panibangang Gawain
27. Kapag ang pagbasa ay nakasalig sa mambabasa bilang isang napakaaktibong kalahok sa prosesong ito mula sa kanyang taglay na dating kaalaman at sariling kakayahan sa wika, ito ay sumasailalim sa ____________ .
A. teoryang bottom-up
B. teoryang top-down
C. teoryang interaktibo
D. teoryang metakognisn
28. Alin sa mga sumusunod na gawaing ang nagtataglay ng metakognisyon sa pagbasa?
1. Pag-aanalisa ng isang teksto
2. Paglikha ng sariling simula, sukdulan at wakas ng binasang katha
3. Pagpapakita ng dula-dulaan gamit batay sa mga tagpong nagpalutang ng diwa sa kwento
4. Pagbibigay kahulugan sa mga simbolong nakalimbag sa mga pahina
A. tambilang 1 at 2 lamang
B. tambilang 2 at 3 lamang
C. tambilang 1,2 at 3
D.tambilang 1,2,3 at 4
29. Ang mga mag-aaral ng Mataas na Paraan ng Bayabas ay nakalilinang na ng kasanayan sa mabilis na pagbabasa at pagunawa sa teksto bunga ng masigasig ng pagtitiyaga ng guro sa paggabay sa kanila. Ito ay malinaw na nagpapakita na ang mga naturang mag-aaral ay nasa anong yugto ng kahandaan sa pagbasa?
A. Panimulang Pagbasa
B. Maunlad na Pagbasa
C. Malawakang Pagbasa
D. Kahandaan sa pagbasa
30. Batay sa mga pag-aaral alin sa mga sumusunod ang maituturing na salik na may tuwirang kinalaman sa kahandaan sa pagbasa na dapat maisaalang-alang ng guro tungo sa akademikong pagkatuto?
A. Kagulang pisikal at mental
B. Personalidad, karanasan at pinag aralan ng magulang
C. Kagulangang sosysal at emosyonal at antas ng pamumuhay
D. Wika, kultura, kaligiran at baying pinagmulan
31. Upang matukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang hinango sa binasang teksto gumuhit si Titser Ana ng mga kahon sa pisara bilang palatandaan sa mga titik na bubuo sa hinahanap na talasalitaan. Batay nabanggit na halimbawa anong estratehiyang ang ginamit ng guro?
A. konpigurasyon
B. simbolismo
C. Contextual Clues
32. Ito ay estratehiya sa pagbasa hinggil sa paghahanap ng tiyak na impormasyon para sa katumbas na sagot at kadalasay’y nakatuon sa pagkuha at pagtatala ng detalye.
A. Skimming
B. Scanning
C. Intensive reading
D. Extensive reading
33. Si titser Robina ay nag lalahad ng isang kwento sa klase bilang lunsarang-aralin. Naglaan siya ng mga tanong para sa mga mag-aaral; na nagsasaad n g ilang paghuhula a maarign kalabasan ng ilan pang sumusunod ng tagpo. Anong estratehiya sa pagbasa ang tinukoy sa naturang sitwasyon pampagtuturo?
A. KWL
B. DRTA
C. GMA
D. QAR
34. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Pagkatapos ay tukuyin ang lebel ng komprehensyon ang isinasaad nito.
A. “Sa iyong palagay, ano ang nararamdaman ng mga taong nagsisikap na makapaghanap buhay sa ibang bayan ngunit patuloy na nilulusay naman ng kanilang mga anak ang kanilang pinaghihirapan?
A. Literal
B. Interpretasyon
C. Mapanuri
D. Malikhain
35. Sa pagtuturo ng isang binasang teksto, pinlano ni Titser Manalo ang araling susukuan sa kasanayan ng mga magaaral sa paghula ng maaring maganap. Ang naturang estratehiya ay napapaloob sa anong antas ng pag-iisip?
A. Pakwtal lebel
B. Interpretatib lebel
C. Aplikatibo lebel
D. Transaktib lebel
36. Ang klase sa filiino ay pinangkat ni Gng. Arceo upang basahin ang isang kwento. Pagkatapos ay pinagawa niya ang bawat pangkat ng mapa ng konsepto hinggil sa kanilang binasa a kanilang ipinakita at ilalahad sa klasae.Anong estratehiya ang ginamit ng guro as nasabing sitwasyon pampagtuturo?
A. KWL ( what I know, want to know learned )
B. GMA ( Group mapping activity)
C. DRTA (Direct Reading Teaching Activity)
D. ReQuest ( Reciprocal Questioning)
37. Ang korespondensya, memoranda plano, proposal, ulat at adbertisment ay mga anyo ng anong uri ng suatin?
A. Sulating personal
B. Sulating transaksyunal
C. Malikhaing sulatin
D. Malayang sulatin
38. Alinsa mga sumusunod ang kaisipang naaaon sa pagtuturo ng pagsulat?
1. Mahalaga ang hakbang na pagtuturo ng pagsulat
2. Dapat isaalang-alang ang paggamit ng mga mahuhusay na modelo sa pagtuturo ng pagsulat.
3. Dapat ituro ang mga kaalamang pangwika sa angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
4. Dapat bigyang-diin ang iba’t ibang proseso sa pagsulat.
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
39. Alin sa mga sumusunod na simulain sapagtuturo ng pagusulat ang may tunguhin bilang komunikatibo?
A. kontrolado
B. pinatnubayan
C. Malaya
D. Padikta
40. Ang mga sumusunod ay proseso ng mabisang pagtuturo ng pagsulat tungo sa kasanayang, pampagkatuto. Ihanay ang mga ito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod: pidbak, rebisyon paggawa ng buradorat editing.
A. 1-2-3-4
B. 3-2-4-1
C. 3-1-2-4
D. 1-2-4-3
41. Binasa ng guro ang mga sulatin ng kanyang mga mag-aaral at bumuo siya ng pangkalahatang impresyon. Pagkatapos ay binigay niya ang mga puna upang mapabuti ng mga mag-aaral ang kanilang wika. Anong paraan ng ebalwasyon ang ginamit ng guro?
A. Pagmamarkang holistic
B. Pagmamarkang analitik
C. Mapamiling pagmamarka
D. Dalawahang pokus ng pagmamahal
42. Anong proseso ng pag-aaral ng panitikan ang isinisaad ng sumusunod na tunguhin?
“Nailalapat ang mga kaisipang nahango s kwento sa mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw araw na buhay.”
A. Pagsusuri
B. Pagtataya
C.Paglalahat
D. Paglikha
43. Anong estratehiyasa pagtuturo ng panitikan ang naangkop para sa mga mag-aaral na may biswal na istilo na pagkatuto?
A. Dula-dulaan
B. Pagpapalabas ng pelikula
C. Pagpapatugtog ng musika
D. Pagdaraos ng ulat
44. Uri ng banghay na sumasailalim sa katuparan ng isang nasa, pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan nang sagana.
A. Romansa
B. Trahedya
C. Satiriko
D. Komedya
45. Ang katapusan ay simula lamang ng muling pagbangon sa pagkamatay at sa dakong huli tagumpay sa gitna ng pagkabigo mula sa pagsilang hanggang kamatayan ………. Sa dapithapon hanggang sa bukang liwayway “ Ito ay imaheng ____________.
A. Arketipo
B. siklikal
C. dayalektal
D. kumbensyunal
46. Tukuyin ang mga wastong patnubay sa pagtuturo ng tula
1. pagganyak at pagpukaw ng damdamin
2.pagbibigay ng malikhaing imahenasyon
3. pagkakaroon ng marangal na diwa
4. pagtuon sa mahalagang tayutay
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1, 2, at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
47. Alin sa mga sumusunod na paksa ang mabisang unsaran sa pagtuturo ng pagsulat isang sanaysay na may paksang hinggil sa kanilang karanasan?
1. Ang aking karanasan
2. Isang mabisang paglalakbay sa Makulay na Karanasan
3. Isang makulay na paglalakbay tungo sa hiwaga ng Buhay
4. Ang Pasko sa Buhay ko
A. 1-2
B. 2-3
C. 1-3
D. 3-4
48. Anong estratehiya sa pagtuturo ng tula ang naangkop sa mga mag-aaral na may mataas na antas ng kasanayang pampagkatuto?
A. Fishbowl Teknik
B. Ulat-Balitaan
C. ReQuest (Reciprocal Questioning)
D. Pagsasatao o Role Playing
49. Anong estratehiyang pampagtuturo ang higit naangkop gamitin batay layuning nakasaad sa ibaba?
“Napaghahambing ang bilang ng mga batang nagpatala sa isang paaralan sa loob ng limang taon batay sa nakasaad na datos.”
A. Tsart
B. Grap
C. Talaan
D. Klayn
50. Ano ang gagamitin mo kung nais mong ilahad ang propayl mga mag-aaral hinggil sa bahagdan ng kanilang antas na kinabibilangan?
A. Bar graph
B. Pie chart
C. Line graph
D. Pictograph
51. Nagtatanong ang guro upang mapalutang ang diwa ng kwento tinalakay.
“Sa kwentong “ Ang kalupi”, maari bang ilarawan niyo si Aling Marta bilang isang ina asawa, ordinaryong mamamayan at mamimili?
Anong etratehiya ng higit na mabisa at naangop gamitin upang maiugnay ng mga mag-aaral ang konseptong inilahad ng guro.
A. Story Grammar
B. Venn Diagram
C. Episode Map
D. Habeng Semantika
52. Gamit ang klayn teknik sa pagtuturo ng panitikan, iayos ang mga salita ayon sa degri o antas ng mga konsepto : Galit, ppot, inis, yamot muhi.
A. 1-2-3-4-5
B. 3-4-1-5-2
C. 5-4-3-2-1
D. 4-3-5-2-1
53. Ang aralin ay tungkol a paglaganap ng AIDS sa bansa. Anong estratehiya ang maaring gamitin upang makabuluhan itong mailahad sa klase?
A. demonstration
B. KWL
C. ReQuest
D. Semantik Web
54. Kung nais ipakita sa mga mag-aaral ang sanhi at bunga ng pagputol ng puno sa kagubatan, anong estratehiya ang higit na mabisang gamitin?
A. Fishbowl teknik
B. Fishbone teknik
C. Semantik web
D. Klayn teknik
55. Splasssshhhh….. Sa bawat pagsalpok ng alon sa may batuhan, sa bawat paghampas nito sa isang dalampasigan. Anong tayutay ang ginamit sa pahayag?
A. Transferred epithets
B. Anithesis
C. Onomatopia
D. Alliteration
56. Sa pagtuturo ng isang kabanata ng NoliMe Tangere, pinang ng guro ang tatlo bilang (1) Pangkat Performer na tagapagtanghal ng tagpo mula sa kabanta; (2) Pangkat Photographer na sumagot sa mga nakalaang tanong; at (3) Pangkat Developer na pumuna sa mga sagot sa tanong ng ikalawang pangkat. Anong estratehiya ang binabanggit sa naturang halimbawa?
A. Kamera Plas Pokus Teknik
B. Group Mapping Activity
C. Dayorama
D. Sosyorama
57. Ang paglalahad ng mga salita tulad ng kapit-tuko, dapithapon at sinagtala ay halimbawa ng anong estrahiya sa pagtuturo ng talasalitaan.
A. Collocation
B. Contextual Clue
C. Clustering
D. Word Association
58. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng salita ang halimbawa ng hayponim?
A. Kabutihan – kasamaan
B. Tunguhin – layunin
C. Loob- kalooba, kusang-loob, utang na loob
D. Muwebes- kama, silya, mesa tokador
59. Ang kahulugan ng mga mag-aaral sa maramihan nilang kakayahan na siyang tinutukoy ng multiple intelligence approach ay matutugunanng guro sa pamamagitan ng kanyang ______________ .
A. masteri ng aralin
B. Husay sa pamamahala ng klase
C. iba’t ibang mabisang estratehiya
D. Taas ng antas ng pagtataya
60. Ang mga sumusunod ay panuntunan sa pagbuo ng pagsusulit na dapat isaalang-alang ng guro. Alin ang hindo kasali?
A. Gumamit sa iba’t ibang uri ng pasusulit na pamilyar na sa mga mag-aaral
B. Gawaing malinaw at tiyak ang panuto kabilang na ang paraan ng pagsagot.
C. Tiyaking mas nakararami ang mahirap na aytem upang mahasa ang kakayahang mag-isip ng mag-aaral.
D. Huwag gagamit ng mga magkakaugnay na salita sa bawat aytem
61. Kung ihahanay ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga sumusunod na layunin ng pagsusulit, ano ang maituturing na pinaka huling dapat bigyang tuon?
A. Malaman kung kakayahan ang kakayahan ang dapat bigyan ng ibayong
B. Gawaing batayan sa pagmamarka
C. Matiyak ang tamang pagsasaayos ng mga Gawain at paglalahad ng aralin
D. Mabatid kung tugma ang pamamaraan ng pagtuturo sa kagamitan kailanganin nito.
62. Alin sa mga sumusunod na yugto ng pagsusulit-wika ang higit na naaangkop sa mga mag-aaral sa makabagong panahon?
A. Pre-scientific stage
B. Scientific stage
C. Communicative stage
D. Grammar translation stage
63. Sa pagsisimula ng aralin, nagbigay si Titser George ng isang pagsusulit sa mga mag-aaral upang maihatid niya niya kung saang bahagi ng Aralin siya magsisimba at anong kasanayan ag kanyang higit na bibigyang daan. Anong pagsusulit ang inihandang guro batay sa naturang halimbawa?
A. Pagsusulit kakayahan
B. Pagsusulit sa natamo
C. Dayagnostik na pagsusulit
D. Aptidyud na pagsusulit
64. Kapag ang pagsusulit na cloze ay may nakahandang pagpilian n nasa talaan para sa mga kinaltas na salita upang ang mga patlang sa loob ng talata, ito ay tinutukoy na ______________ .
A. basic cloze
B. modified cloze
C. oral cloze
D. selected-deletion cloze
65. Ano ang pagkakaiba ng objective na pagsusulit?
A. Ang objective ay mahirap ihanda ngunit madaling iwasto, samantala ang subjektive ay kabaligtaran nito
B. Ang objektiv ay ay medaling sagutan samantalang ang subjektiv ay mahirap sagutan
C. Ang objektiv ay medaling buuin sa tulong ng mga sanggunian samantalang ang subjektiv ay masalimuot gawin
D. Ang objektiv ay mas mahabang aytem ng pagsusulit kaysa subjektiv
66. Ang mga sumusunod ay bahagi na matatagpuan sa talahanayan ng espisipikasyon maliban sa _______________ .
A. kasanayan o kompetensi
B. bilang at bahagdan ng aytem
C. Antas ng pag-iisip
D. Paraan ng pagsagot
67. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin ng wastong paglalahad ng panuto?
1. anyo ng pagsusulit
2. nilalaman
3. kasanayan
4. inaasahang paraan ng pagsagot
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2,3 at 4
68. Pansinin ang nakatalang halimbawa ng aytem sa ibaba.
May tindahan sa bahay si Unding kahapon ay napansin niyang wala ng asukal sa tindahan. Kaya naman, nagpunta siya sa palengke at _________ ng bawang
A. bibili
B. bumibili
C. binibili
D. bumili
Ano ang kapuna-puna sa naturang aytem?
A. Masalimout at di malinaw na pagkakalahad ng stem
B. Halata ang mga distracter
C. Mahirap
D. Hindi naayong sagot
69. Sa sumusunod na halimbawa ng aytem para sa pagbasa aling panununtunan ang nilabag nito?
Aling salita ang hindi naglalarawan sa batang si Juan?
A. maliit
B. masipag
C. magalang
D. malinis
Alin ang kapuna-puna sa naturang sytem?
A. Pag-uulit ng salita
B. Paggamit negatibong salita
C. Magulong opsyon
D. Halatang distraktyer
70. Alin sa mga sumusunod ang panununtunan sa paglalagay ng distracter sa isang aytem ng pagsusulit?
A. ang distracter ay di dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng pagsusulit na hindi nakakaiyak ng wastong sagot.
B. ang mga ito ay hindi dapat na mas mahirap kaysa tamang sagot
C. ang mga ito ay hindi dapat na maging mas madali kaysa tamang sagot
D. Dapat hindi inuulit ang distracter sa mga opsyun
71. Alin sa mga sumusunod ang tamang panuntunan sa pagsulat ng aytem para sa pagsusulit na tama o mali?
1. Tiyakin maraming paksang binabanggit sa pangungusap
2. Sikaping maiwasan ang paggamit ng salitang pananggi
3. Iwasan ang paggami ng mga pahiwatig na salita
4. Gawing payak at may tamang haba lamang ang pangungusap
A. Tambilang 1,2 at 3
B. Tambilang 2, 3 at 4
C. Tambilang 3 at 4 lamang
D. Tambilang 1,2,3 at 4
72. Alin sa mga sumusunod na halimabawa ng aytem ang tumpak para sa pagsusulit ng pagpuno sa patlang.
A. Ang __________ isang halimbawa ng pang-uri
B. Ang salitang maganda ay isang halimbawa ng ____________ .
C. Ang _____________ nagbibigay turing sa pangngalan at pang-uri
D. Ang pang-uri ay nagbibigay turing sa pangngalan at ______________.
73. Alin sa mga sumusunod ang isang makabuluhang salik ng pagsusuli-wika?
A. ginagamit ang pagsusulit bilang instrument lamang sa pagmamarka ng guro
B. Ang pagsusulit ay mas nakatuon sa istrakturang gramatikal kaysa sa gamit nito sa mga sitwasyon.
C. Sa komunikatibong dulog ng pagsusulit ang aytem ay nakahahadlang sa pangkalahatang kalagayan ayon sa itinadhana
D. Ang dulog integratibo sa pagsusulit-wika ay pagtataya sa gamit ng wika sa isang konteksto na kung saan ay binibigyan pansin ang kahulugan at kabuuang bias ng komunikasyon
74. Mahalaga ang pagsusulit o pagtataya sa paglinang ng kasanayan sa pagkatuto ng wika bilang pagtuklas ng impormasyon. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing aspetong binibigyang tuon ng pagsusulit?
A. pagkatuto ng mag-aaral
B. Pmamaraan ng pagtuturo ng guro
C. Kabuuang programang pangkurikulum
D. Kagamitang pampagtuturo
75. Kapag ang pasusulit ay naglalayong mataya ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat ni inihihiwalay sa pagbasa, masasabing ito ay nasasalig sa anong dulog ng pagsusulit?
A. Pagsasalin
B. Istrukural
C. Integratibo
D. Komunikatibo
76. Ano ang pinakamakabuluhang pagkakaugnay ng pagtutro at pagsusulit-wika?
A. Ang pagtuturo ay isinasagawa upang masagot ng natutuhan bilang batayan sa pagtaya sa ginawang pagtuturo ng guro.
B. Ang pagsusulit ay panukatan sa pagtatamo ng natutuhan bilang batayan sa pagtaya sa ginawang pagtuturo ng guro.
C. Ang pagtataya ay mahahalagang elemento ng isang planong pampagtuturo
D. Ang pagtataya ay bahagi ng pagtatamo samantala ang pagtuturo ay dahilan kung bakit may pagtataya.
77. Ayon sa panuntunan ano ang dapat iwasan ng guro sa pagbuo ng aytem para sa pagsusulit na pagtapat-tapatin?
A.Distrakter
B. Talahanayan
C. Padron sa pagmamarka
D. Susing-sagot
78. Dapat bang guro ay personal na nagwawasto ng pagsusulit ng mga mag-aaral?
A. Oo, sapagkat obligasyon at bahagi ng trabaho ng isang guro ang gawaing pagwawasto
B. Hindi, sapagkat mas marami pang dapat mapagtuunan ng panahon ang guro na higit na mahalaga sa kanyang pagtuturo kaysa pagwawasto
C. Oo, upang higit na matiyak ng guro ang ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ang mga kahinaan nila
D. Hindi dapat binibigyang pagkakataon ang guro mabawasan ang bigat ng kanyang Gawain upang higit na matutukan ang pinakapangunahing niyang tungkulin –ang pagtuturo
79. Alinsa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang ng guro sa pagwawasto ng pagsusulit na pasanaysay?
1. Unahing maiwasto ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral sa bawat tanong
2. Maghanda ng gabay na balangkas para sa konsepto at tunguhin ng sagot
3. Bumuo ng rubik na naglalaman ng pamantayan sa pagwawasto at inaasahang kasanayan
4. Sumangguni sa iba pang maaaring makapagwasto upang matiyak at mabalanse ang pagtataya nito
A. Tambilang 1 at 2 laman
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
80. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pagkakalahad ng panuto para sa isang anyo ng pagsusulit?
A. Maraming Pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot
B. Pagtatapat-tapat. Pag ugnayin ang mga bansa na nasa hanay A sa katumbas na kanyang pangulo na nasa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot
C. pagpuno sa patlang: Punan ang patlang ng tamang sagot ayon sa hinihingi
D. Tama o Mali. Lagyan ng tsek ang mga maling pahayag
81. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pares ng element o bahagi ng pagsusulit na pagtatapat-tapatin.
A. Hanay A – Letra : Hanay B – Tambilang
B. Hanay A – Aytem : Hanay B – Opsyon
C. Hanay A-Opsyon : Hanay B - Distrakter
D. Hanay A-Maikli : Hanay B - Mahaba
82. Unawain at analisahin ang sumusunod na tanong mula sa kwentong “Ang Kalupi” Tukuyin ang layuning nakasaad sa naturang tanong ng guro.
“Kung ikaw si Aling Marta, huhusgahan mo rin ba ang iyaong kapwa batay sa mg hinala na di mo naman aktwal na nakita?”
A. Napahahalagahan ang kaangupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyon nakalahad sa teksto.
B. Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto
C. Naihahambing ang kaisipang ipinapahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang pansarili mula sa guro at sa ibang tao.
D. Nahahango ang diwa ng kwento tungo sa pagbuo ngbuod nito.
83. Kung gagamitin ng isang talaan ng datos bilang lunsaran sa gagawing pagsusulit, anong tanong ang higit na mabisa para sa mas mataas na antas ng kasanayan pampag-iisip?
Talaan ng mga dahilan ng pagsisikap ng mga mag-aaral na makapag-aral
AYTEM BAHAGDAN
Makapaghanapbuhay 40
Sundin ang magulang 15%
Makapasa sa pagsusulit para sa pagkuha ng lisensya 5%
Makapagtrabaho sa ibang bansa 5%
Magkaroon ng magandang kinabukasan 15%
Magkaroon ng diploma 20%
KALAHATAN 100%
Tumugon: 149 na nasa ikatlong taon sa kanilang kurso
A. anong aytem ang may dalawampung bahagdan
B. Ilan ang bahagdan ng aytem tungkol sa makapagahanpabuhay
C. Anong mga aytem ang may pinakamababa at pinakamataas na bahagdan at agwat sa pagitan ng mga ito?
D. Ano ang ikalimang aytem>
84. Kung bubuo ng isang aytem ng pagsusulit na interdisciplinary para sa Filipino at matematika, anong lunsarang talaan ang maaring gamitin na higit na makagaganyak at magiging kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral?
1. Pamasahe sad yip sa iba’t ibang ruto
2. Pagbabayet ng allowance at pamalengke
3. Istadistika ng populasyon sa boung mundo
4. Mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at iba pa
A. Tambilang 1,2 at 3
B. Tambilang 1,2 at 4
C. Tambilang 2,3 at 4
D. Tambilang 1,2,3 at 4
85. Sa kasalukuyan ay masugid na isinusulong ang intergratibong anyo at uri sa pagsusulit. Ibigay ang pagkakaiba ng tradisyunal at awtenikong pagsusulit.
A. Ang una ay sinauna samantala ang huli ay modern
B. Ang una ay nasusulat samantala ang huli ay di-nasusulat
C. Ang unsa ay gamitin samantala ang ikalawa ay madalang gamitin
D. Ang una ay sumusukatt sa kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa kasanayang pamgpag-iisip at kaalamang natamo o natandaan
86. Ang kagamitang pampagtuturo a nagtataglay ng mga gabay sa guro at kanyang mag-aaral at tumitiyak sa kagalingan pampagkatuto. Ang mga sumsunod na konsepto ay nagpapahayag ng katuturan ng kagamitang pampagtuturo maliban sa isa.
A. Nilalamanna dapat matutunan
B. Teknik napaglalapat at pagsasanay
C. Kahusayan ng guro sa paglinang ng kasanayan
D. Paraan ng pagtuturo kaugnay ng teknik at pamamaraan
87. Ito ang anyo ng kagamitang pampagtuturo – pampagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na akdang Gawain sa kaparaanang sistematiko at kontrolado.
A. Batayang Aklat
B. Sanggunian aklat
C. Modyul
D. Manwal
88. Sa pagtuturo ng aralin sa paglalarawan , pinlano ni Titser Jess na gamiting lunsaran ang mga ipinagmalaking tanawin sa Pilipinas. Anong kagamitang panturo ang pinakamisang maimumungkahi sa kanya?
A. Makukulay na larawan sa tulong ng overhead projector
B. Bagong edisyon ng magaing pampaglalakbay
C. Isinateyp na karanasan ng mga turistang nakatungo na sa mga ito
D. Vidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo
89. Kung gagamitin ang pelikula bilang kagamitang pantulong sa pagtuturo ng wika, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga inilahad na panununtunan?
A. Paunang pinapanood ng guro ang pelikulang gagamitin upang ibayong maihanda ang mga gabay tanong hinggil sa pagtalakay ng mahahalagang tagpo
B. Pagpanood ng buo pelikula habang ang guro ay abala sa ibang gawaing pangklase
C. Patuloy na paggabay ng guro sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa ilang isyu o konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento
D. Pagbibigay ng inaasahang panuntunan tungo sa wastong paglalahad ng Gawain
90. Naging laganap sa pagtuturo ng wika ang paggamit ng pinalatuntunang kagamitan bilang serye ng mga aralin at kaalaman na maingat na iniayos sa lohikal na pagkabuo.
Ano ang katotohanan sa likod nito?
I. Ang pinalatuntunang kagamitan ay nakatutulong sa pagbibigay lunas sa suliranin sa kakulangan ng silid-aralan at gurong magtuturo
II. Nakapagbibigay ito ng pagkakatong makahabot sa gawaing pangklase ang mag –aaral na lumiban noong nakaraang talakayan
III. Isa itong panlunas na Gawain sa mga mag-aaral na may mabagal na antas ng pagkatuto
IV. Maituturing ito na isang estratehiya para sa mga mag-aaral na may mabilis na antas ng pagkatuto habang hinihintay ang karamiahansa iba pang gawain
A. I at II lamang
B. III at IV lamang
C. I,II at III lamang
D. I,II, III at IV
91. Maglugod na isinusulong sa ang awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Alin sa mga sumusunod na tunguhing pangkasaysayan ang may angkop na awtentikong kagamitan?
KASANAYAN KAGAMITAN
I. Pagbibigay kahulugansa isang salita Thesaurus
II. Paglalarawan sa teknolohiya ATM at LRT Kard
III. Pagtatala at pag-aanalsiisa ng datos Resibo ng kuryente
IV. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari Rsipe
A. II, II at IV
B. I,II at IV
C. I,II at III
D. I,II,II at IV
92. Sa paggamit ng pinalatuntunang kagamitan, kadalasan ay binibigyan ng guro ng pabuya o pagbati ang mga mag-aaral sa bawat wastong tugon sa mas matibay na pundasyon ng pagkatuto. Ito ay halaw sa simulang __________ .
A. Aktibong pagtugon (Active Responding)
B. Pagpaptibay (Reinforcement
C. Pagbibigay pahiwatig (Cueing/prompting)
D. Supil na gawi (Controlled behavior)
93. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakabalankas ng pangkat ng kagamitan panturo?
A. Ginagawa-balangkas berbal, simbolong biswal
B. Minamasid – pelikula, eksibit, eksursyon.
C. Sinasagisag- binalangkas na karanasan tuwirang karanasan
D. Pinakilahukan- modelo, virtwal reyaliti, reyalya
94.Pag ugnayin ang istilong pampagkatuto at angkop na kagamitang pampagtuturo na matatagpuan sa loob ng talahanayan sa ibaba. Piliin ang may tamang pagkakaugnay.
ISTILO NG PAGKATUTO KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
1. Analitik A. Larong pangwika
2. Global B.Eksibit
3. Biswal C. Pakikipanayam
4. Kinestetik D. Ekskursyun
A. 1-A
B. 2-D
C. 4-C
D. 3-B
95. Ang banghay-aralin ang maituturing na pinakapangunahing kagamitan ng guro bilang gabay sa pagtuturo tungo sa layuning pampagkatuto . Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kahalagahan nito?
1. Pagtataya sa pamamaraaan ng guro s kanyang pagututuro
2. Gabay ng pansamantalang kahalili ng guro sa panahong siya ay liban
3. Natitiyak ang pagkakasunod ng mga aralin at gawaing batay sa kaugnay na layunin
4. Natutugunan ang hinihinhing kailangan sa pagtuturo bilang isang responsibilidad
A. 1 at 2
B. 2 at 4
C. 1,2, at 3
D. 2,3, at 4
96. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing pamantayan sa paghahanda ng edukasyon pangmidya o kagamitang teknolohikal ?
A. Kaanyuan
B. Kaangkupan
C. Kapanahunan
D. Teknikaliti
97. Bkait mahalaga paunang mapanood ng guro ang pelikulang nais gamitin bilang kagamitan sa pagtuturo?
A. Upang makapaghanda ng kaugnay na gabay- tanong na ibibigay sa klase
B. Upang masusing mapili ng guro ang mga tagpong bibigyang diin para sa gagawing mga paglilinaw at pagtatalakay
C. Upang matiyak na walang tagpong di naaangkop sa mga manonood na mag-aaral maging eksena man o dayalogo
D. Upang hindi na tunghayan pa ng guro ang panood sa halip ay ipaubaya na lamang niya ito sa klase
98. Kailan maaaring makabuluhang magamit ng mga mag-aaral ang internet sa kanilang klase kung aralin ay tungkol sa pagsusulat ng liham?
A. Pagdownload ng mga modelong halimbawa ng lihan mula sa ilang
B. Pagscan at pagprint ng mga ginawang liham na taglay ang mga mekanismo nito
C. Pagpapadala ng ginawang lihan sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at paghintay sa maaaring pagtugon
D. Pagpopost sa facebook account ng ginawang liham para sa kaalaman ng madla.
99.Ang mga sumusunod a mga panununtunan na dapar isaalang-alang sa taamang paghahanda ng slides para sa LCD projector na makatutulong samas malawakang pag-unawa at pagkatuto ng mga mag-aral maliban sa isa.
A. Magkakontrast na kulay ng front sa kulay na background
B. Iba’t ibang effect pormat at disensyo sa bawat slide
C. Mailkli at yaong mahahalagang konsepto lamang ang mga salitang nakalahad sa bawat slide
D.Malalaki ang sukat ng front para nababasa at nauunawaan
100. Kung gagamit ng teknolohikal na kagamitan panturo sa pag lalahad ng aralin sa iba’t ibang klase na inangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaring maimungkahing mabisang gamitin?
A. Telebisyon
B. Larawang ipapakita sa tulong ng LCD projector
C. Isinateyp na dayalogo
D. DVD
Download this LET Reviewer as well as the answer keys from the button above. If the download button is not working, please leave a comment below and we will fix it as soon as possible.
For the complete list of LET Reviewers, you may follow this link: Downloadable LET Reviewers
TEACH PINAS is not affiliated, associated, endorsed by, or in any way officially connected to any government organization. All the information on this website is published in good faith and for general information purpose only. We, the admins/staff, do not claim any ownership of some content posted here unless otherwise stated. If you own rights to those and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail: [email protected] and we will take necessary actions ASAP. TEACH PINAS does not make any warranties about the completeness, reliability, and accuracy of this information. Any action you take upon the information you find on this website (www.teachpinas.com), is strictly at your own risk. TEACH PINAS will not be liable for any losses and/or damages in connection with the use of our website. Read more...
Add Comment